Inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service o PNP-IAS na sibakin sa serbisyo ang isang pulis at i-demote ang ranggo ng sampu pang pulis.
Ito ay kaugnay sa nangyaring ‘misencounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at District Special Operations Unit ng Quezon City Police District noong nakaraang taon sa Commonwealth, Quezon City.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, may 41 pulis silang sinampahan ng kaso sa insidente pero 11 lang ang nakitaan ng paglabag.
Sa 11 na nakitaan ng paglabag, isa ay inrekomenda na sibakin sa serbisyo na kinilalang si Corporal Alvin Borja.
Siya ang kitang-kita na namaril na nagresulta ng pagkamatay ng PDEA agent at ng kanilang informer.
Demotion naman ang inirekomenda laban sa sampu dahil sa direct assault at oppression.
Abswelto naman ang 29 na iba pa dahil hindi nakitaan ng PNP-IAS na may paglabag at nagpabaya sa kanilang trabaho.
Sa nangyaring ‘misencounter’, tatlo ang nasawi at tatlo rin ang sugatan.