Pulis Quezon City, kakasuhan matapos pagbantaan ang ilang MMDA officers

Manila, Philippines – Posibleng sampahan ng grave threat ang isang pulis ng Quezon City matapos nitong pagbantaan ang ilang officers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) towing team.

Ayon kay Bong Nebrija, supervising officer for operations ng MMDA binantaan sila ng pulis na si SPO2 Ariel Aguilar na may-ari ng jeep na kanilang binatak sa Visayas Avenue.

Kwento pa ni Nebrija, kakasuhan umano sila ng carnapping ni Aguilar dahil sa iligal na pagbatak sa kanyang sasakyan.


Samantala, nakarating na rin ang insidente sa himpilan ni QCPD director Guillermo Eleazar at hinihintay na lamang ang aksyon na gagawin sa nasabing pulis.

Facebook Comments