Pulis sa Apayao, Nagpositibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng corona virus (COVID-19) ang Bayan ng Flora sa Lalawigan ng Apayao.

Ayon kay Dra. Karizza Hurtado, Municipal Health Officer, kinumpirma nito na isang lalaking pulis ang nagpositibo sa COVID-19 sa kabila ng pinaigting na pagbabantay sa mga nakatalag na checkpoint sa bayan.

Aniya, nagpapatuloy ang pagtukoy sa mga posibleng nakasalamuha ng nagpositibong pasyente sa nakaraang dalawang (2) linggo.


Nananatili sa pagamutan ang pulis na patuloy na inoobserbahan ngayon sa kanyang kondisyon.

Sa kabila nito, ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng Flora ang pagpapatupad ng temporary lockdown sa lahat mg border checkpoint sa lugar para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit.

Facebook Comments