Pulis sa Cagayan, Arestado sa Pangongotong

69

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng kapwa pulis ang isang kasapi ng PNP Peñablanca dahil umano sa pangingikil nito ng pera.

Kinumpirma ito ni Police Major Rohaina Asalan, hepe ng PNP Penablanca na natimbog ang isa nitong tauhan na kinilalang si Police Staff Sergeant Arphie Bryan Ligutan Tuliao na nakabase sa Intel Division ng PNP Penablanca.

Nadakip si SSg Tuliao sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib-pwersa ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Regional Intelligence Unit ng PRO2 kung saan tinanggap nito ang halagang Php6,000 marked money bilang parte ng kabayaran sa hinihingi nitong Php40,000 na kapalit sa kaso ng ilang mga indibidwal na kanilang nahuli sa isang sabungan sa bayan ng Peñablanca.


Ayon pa sa datos ng PNP, ilang indibidwal ang nagsumbong sa kanilang himpilan hinggil sa gawain ng naturang pulis kaya’t agad na ikinasa ang nasabing operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakahuli nito.

Mahaharap ngayon sa kasong Robbery Extortion si SSg Tuliao.

Facebook Comments