Pulis sa Cauayan City, Nilooban at Ninakawan ng Baril at Bala!

Cauayan City, Isabela- Nilooban at ninakaw ang baril at bala ng hindi pa nakikilang suspek ang inuupahang bahay  ng isang pulis sa Barangay Minante Uno, Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si PO3 Genevieve Joy Fakat, tatlumput dalawang taong gulang, may asawa at nakadestino sa Bontoc, Mountain Province.

Batay sa pangyayari, umalis umano si Fakat sa kaniyang inuupahang bahay upang pumasok sa kaniyang klase na Public Safety Training Course sa Regional Training School sa oras na alas syete ng umaga kahapon.


Ngunit pagbalik umano ni Pakat sa kaniyang boarding house ay nakitang sira na ang padlock ng pintuan ng kaniyang kwarto at nakakalat na ang kaniyang mga gamit.

Nakita rin na sira ang pintuan sa bahaging likuran ng bahay na siyang ginamit ng suspek na daan upang makapasok at makalabas ng bahay.

Natangay ng suspek ang isang  baril at dalawang magazines na may sampung bala.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng PNP Cauayan City ang nasabing pagnanakaw.

Facebook Comments