Pulis sa Cordon, Isabela, Pinagbabaril-Patay!

*Cordon, Isabela- *Dead on Arrival sa pagamutan ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Tanggal, Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Ronald Kinahingan Galap, residente ng Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela at nakatalaga sa Kalinga PPO, Lubwagan Police Station, MESPO.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cordon, habang nakatayo ang biktima malapit sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ng maraming beses ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay nag-iwan pa ng sulat ang mga suspek na “Abusadong Pulis, Mabuhay ang CPP/NPA” bago umalis patungong Brgy. Villamarso lulan ang puting pick up.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga ng PNP Cordon hinggil sa motibo ng pamamaril at upang matugis ang pumaslang sa naturang pulis.

Facebook Comments