Pulis sa Makati, hinangaan dahil tumayong guardian ng isang estudyante

Image via pna.gov.ph

Binigyang papuri ang kabutihang loob na ginawa ni Claro Fornis, Police Corporal ng Makati Police Community Precinct (PCP) 1, dahil pansamantalang tumayo ito bilang guardian ni Angela Perez habang nasa presinto ang mga magulang nito.

Ayon kay Perez, humingi siya ng tulong sa PCP-1 dahil nakakulong ang kaniyang ina sa kasong iligal na droga at walang pipirma ng dokumento na kailangan niya upang maka-enroll bilang Grade 7 student sa General Pio Del Pilar National High School sa Makati.

Dagdag ni Perez, nakakulong ang kaniyang ina nitong nakaraang buwan sa Makati City Jail at matagal na ring nakakulong ang ama na isang beses pa lamang niya nakikita.


Binigyan naman ng school supplies ni Major General Guillermo Eleazar, chief ng National Capital Region Police Office, si Angela upang magamit niya ngayong pasukan.

Titignan din ang medical na kondisyon ni Angela ng NCRPO Health Service dahil may thyroid cancer ito. Tiniyak naman na ‘manageable‘ ang karamdamang ito at sisikapin pa rin niyang makapatapos.

Sinabi rin ni Eleazar na nararapat lamang kilalanin ang mga ganitong kabutihang gawa ng mga pulis.

“The public may not see these simple good deeds of the police officers because sometimes, these are not newsworthy. But if we look into it closely, police officers have families too and we can always relate to ourselves to it because one of the core values of the PNP is being pro-people,” ani Eleazar.

Dagdag niya, “The exemplary actions of team NCRPO that go beyond the duties and responsibilities make Philippine National Police as real-life superheroes for the service and greater good of every Filipino.”

Hinangaan naman ng mga netizen ang ginawang effort ni Fornis upang matulungan si Angela.

Facebook Comments