Pulis sa North Cotabato todo alerto na sa pagsalubong sa bagong taon

Todo alerto ngayon ang kapulisan sa buong North Cotabato kasabay ng pagsalubong sa bagong taon. Sa panayam ng Rmn Cotabato sinabi ni Police Supt. Bernard Tayong .tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office nakabantay ngayon ang lahat ng pulis sa mga lugar na nasasakupan ng kanilang unit sa ibat ibang bayan ng probinsiya sa posibleng pagsasamantala ng ibang grupo habang ipinagdiriwang ang bagong taon. Kasama umano sa kanilang paghahanda ang police visibility at pagroronda sa mga lugar sa layuning matiyak ang seguridad ng mga mamamayan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments