Pulis sa Pinamungajan Police Station sa cebu nahuling may kasiping na babae, binuhusan ng kumukulong tubig

116

*Nalapnos ang katawan at ari ng isang pulis matapos binuhusan ng misis sa kumukulong tubig.*
*Kalmado lang ang misis ng makita ang kanyang mister na hindi na muna pinangalanan na kasiping ang isang babae sa loob ng kwarto sa Pinamungajan Police Station.*

*Hindi na inabala ng misis ang kanyang mister habang may kinakasama sa loob ng kwarto, umuwi nalang ito at naghintay na makauwi sa bahay ang kanyang mister.*

*Nang nakauwi na ang pulis, habang nagbibihis ito, biglang binuhusan ng misis ng kumukulong tubig ang kanyang asawa dahil sa galit.*
*Napaso ang dibdib, hanggang sa ari at paa ng pulis kaya hindi ito nakapagtrabaho.*
*Nalaman nalang ng Pinamungajan Police Station ang insidente ng magtaka bakit hindi nakapagtrabaho ang pulis.*

*
*DYHP RMN Cebu, nalapnos, pulis ,kasiping*

Facebook Comments