Pulis sa Texas, patay nang aksidenteng mabaril ng kasamahan sa gitna ng operasyon

113
(Shutterstock)

Patay ang isang pulis mula sa Texas, US nang aksidenteng mabaril ng kasamahan nang magpaputok ito sa gitna ng ginagawang operasyon.

Ayon sa inilabas na pahayag ng pulisya, Biyernes ng umaga nang mabaril ng hindi pinangalanang shooter ang biktimang si Caleb Rule, 37, kasama ang Fort Bend County’s Fourth Precinct na noo’y nasa eksena.


Parehong ahensya umano ang nakatanggap ng tawag mula Missouri City bandang 1:45 am nang may maireport na hindi kilalang lalaki na tumatakbo umano sa isang bakanteng bahay.

Nang pareho nang nasa loob ng nasabing bahay ang dalawang pulis, napagkamalang si Rule ang nanghimasok sa bahay kaya agad siyang pinapatukan ng baril.

Kahit pa umano nakasuot ng bullet proof vest ay nasawi pa rin ito kinalaunan habang nasa ospital.

Samantala, naiulat naman na ang nakabaril ay lagpas na sa 20 taon ang karanasan sa law enforcement.

Facebook Comments