Pulis sa Zamboanga del Norte binaril ng drug suspect, sugatan.

Sugatan ang isang pulis matapos binaril ng isang notorious drug suspect sa Barangay Lanawan lungsod ng Salug sa lalawigan ng Zamboanga del Norte kamakailan.
Ang biktimang pulis ay nakilalang si SPO2 Jeromeryan M. Tabasa.
Sa report ng mga otoridad, si Tabasa ay binaril ng isang Omar Quillo, miembro ng notoryus Philip Malon Drug Group sa lungsod.
Napag-alaman, si Tabasa ay nagsagawa ng surveillance kay Quillo nang ang suspek kasama ang dalawa niyang cohorts ang dumating sa kanyang likuran at binaril ang biktima.
Gumanti naman ng putok si Tabasa na nagresulta ng ilang minutong shootout.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungong Barangay Mucas ng nasabing lungsod.
Patuloy naman ngayon ang ginawang pursuit operations laban sa mga suspek na nanatiling at large parin sa ngayon.

Facebook Comments