PULIS, SALARIN SA NATAGPUANG BANGKAY NG BABAE SA BAYAMBANG, PANGASINAN

Natukoy na ng PNP Bayambang ang suspek sa pagkamatay ng isang babaeng natagpuang may tama ng bala sa Brgy. Bani noong Hulyo 21, 2025.

 

Kinilala ito bilang isang pulis at nahaharap na sa kasong murder.

 

Natagpuan ang bangkay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong “Crising.” Suot nito ang bahagi ng uniporme ng isang medical personnel ngunit walang pagkakakilanlan.

 

Matapos ang dalawang linggong imbestigasyon, nakilala ito ng kanyang pamilya mula sa Taguig City.

 

Lumutang ang isang pulis bilang “person of interest” base sa testimonya ng mga kaibigan at katrabaho ng biktima maging sa backtracking ng CCTV footage.

 

Isinailalim ang baril ng suspek sa ballistic test at nagtugma ito sa ebidensyang narekober sa crime scene, dahilan upang sampahan siya ng kasong pagpatay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments