ARINGAY, LA UNION – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Police Regional office 1 matapos aksidenteng maiputok ng isang pulis ang baril sa kasagsagan ng demo sa Regional Training Center 1.
Sa inilabas na pahayag ng PRO1, nagkaroon ng firearms demo exercise ang mga police trainee’s kay PCpl Benny Dupayat, assistant instructor sa RTC1 nang aksidenteng maiputok nito ang hawak nitong baril sa kasagsagan ng training at nagresulta sa pagkakatama ng bala sa palad ni Dupayat at nagtamo din ng sugat sa kanang hita ang isang police trainee na kinilalang si John Conrad Rosario Villanueva matapos ang insidente na agad namang isinugod sa Caba District Hospital.
Sa ngayon nakalabas na si PCpl Duyapat sa pagamutan matapos itong mabigyan ng lunas.
Dahil sa nangyaring insidente, inatasan ni RD PBGEN Emmanuel Peralta ang hepe ng Regional Special Training Unit na makipag ugnayan sa Philippine National Police Training Institute upang maiwasan ang ganitong insidente. | ifmnews