Pulis, Sugatan Matapos Barilin sa Tuguegarao City!

Tuguegarao City- Sugatan ang isang pulis matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City kahapon, June 2, 2018.

Kinilala ang biktima na si SPO1 Danilo Maquiraya Jr., PNP Member at residente naman ng Barangay Malabbac Iguig, Cagayan.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng Tuguegarao City Police Station, isa umanong security guard ang nakakita at nagparating sa himpilan ng kapulisan na binaril ang sasakyan ng biktima sa bahaging likuran nito partikular sa tapat ng GSIS.


Samantala, nagtamo naman ng tama ng baril sa bahaging likuran si Maquiraya na agad namang isinugod sa pagamutan habang patuloy naman ang kapulisan sa pagtukoy kung ano ang motibo ng suspek sa naganap na pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ng ito ay mapanagot sa batas.

Facebook Comments