PULIS,NAGBARIL SA ULO GAMIT ANG SERVICE FIREARM NITO SA BAYAN NG ROSALES

ROSALES, PANGASINAN – Patay na nang matagpuan ng mga kapwa pulis nito ang isang pulis matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa bayan ng Rosales.

Naliligo na sa sariling dugo matapos magbaril sa ulo ang biktima na residente ng Barangay Zone 5 sa nasabing bayan at naka-assign sa Sto. Tomas PNP.

Ayon sa mga kapwa pulis nito, bigo umanong mag-report sa kanilang istasyon ang pulis kaya’t pinutahan ito sa kanyang bahay.


Dito na tumambad sa kanila ang duguang katawan ng pulis at nakapatong pa sa kanyang katawan ang kanyang service firearm na ginamit sa pagpapakamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon personal na problema umano ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Facebook Comments