Matapos ang wreath laying sa ikaw 34 na anibersaryo ng People Power Revolution at nag alisan na ang mga tao. Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na sila ay nananatiling naka-alerto.
Sa ngayon halos wala ng tao sa EDSA People Power Monument at karamihan nalang sa mga andito ay tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at PNP.
Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas nakataas parin sa Red Alert status ang Metro Manila.
Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na magbabantay sila sa freedom park hanggang mamayang hapon.
Anila posible kasi na magkaroon ng lighting rally o biglang may magsagawa programa.
Paalala ni Sinas bawal at mananagot ang magkalat, mag sunog ng effigy at magvandalism sa People Power Monument at maging iba pang pampublikong lugar.