Pulisya, mas lalo pang pinaigting ang pagbabantay sa karagatan ng Ilocos Sur matapos madiskubre ang bloke-blokeng mga shabu

Puspusan ang ginagawang paghahanap ng pulisya sa posibleng bloke pa ng droga na napadpad sa Ilocos Sur.

Kasunod nito, hindi isinasantabi ng Ilocos Sur Police ang posibilidad na may mga bloke na rin ng shabu na nakalusot sa kalupaan.

Ayon kay PCol. Darnell Dulnuan, Provincial Ilocos Sur Director alinsunod sa utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Marbil, naglatag na sila ng mas maraming checkpoint at pinagting na rin ang kanilang police visibility.


Sa ngayon, patuloy ang Ilocos Sur Police katuwang ang Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group, PNP Drug Enforcement Group, at Philippine Drug Enforcement Agency sa paggalugad ng karagatan para hanapin pa ang mga nalalabing shabu na posibleng naiwan pa at palutang-lutang.

Sa ngayon, 4 na batch na ng bloke-blokeng shabu ang nasabat sa baybayin ng Ilocos Sur kung saan, tinatayang aabot na ang halaga nito sa mahigit kalahating bilyong piso.

Facebook Comments