Pulisya, Mayroon nang Tinitignang Anggulo sa Nangyaring Kidnapping sa Aurora, Isabela!

27

*Cauayan City, Isabela- *Mayroon nang binabantayang anggulo ang pulisya sa nangyaring pagdukot sa tatlong kalalakihan sa Brgy. Sta. Rita, Aurora, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PCapt Renz Marion Baloran, hepe ng PNP Aurora sa isinagawang panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.


Bagamat mayroon nang binabantayang anggulo sa pagdukot ang pulisya ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang masusing imbestigasyon upang matukoy ang iba pang motibo at anggulo sa pagkidnap kina Gil Gazzingan, Alfredo Francisco at Joseph Allisan.

Ito aniya ang kauna-unahang insidente ng kidnapping na nangyari sa kanyang nasasakupan.

Ayon pa kay PCapt Baloran, wala namang record sa PNP ang tatlong dinukot ng mga armadong kalalakihan na sila ay sangkot sa anumang iligal na gawain.

Kaugnay nito, lalo pang pinaigting ng pulisya ang pagbabantay sa buong bayan ng Aurora at patuloy ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments