PULISYA NAGPAALALA SA PUBLIKO UPANG HINDI MABIKTIMA NG PANDURUKOT NGAYONG OBSERBASYON NG UNDAS KASABAY NG LONG WEEKEND; INSIDENTE NG PANDURUKOT SA PANGASINAN UMABOT NA SA 127

Nagpaalala ang Pangasinan Police Provincial Office sa mga Pangasinense na maging alerto upang hindi mabiktima ng kawatan ngayong obserbasyon ng Undas na sinabayan pa ng long weekend.
Ayon kay Police Major Ria Tacderan, tagapagsalita ng PANGPPO, iwasan ang pagdadala ng maraming pera sa paglabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan.
Huwag ding magsusuot aniya ng mga mamahaling alahas kung magpunta sa lugar na maraming tao. Ang mga ito umano ay paraan upang maiwasang maging biktima ng illegal na gawain.

Sa tala ng PANGPPO, mayroon ng 127 na insidente ng pandurukot ngayong taon kung saan 88 ang naresolba, 38 ang naifile ngunit hindi pa naaresto ang mga ito.
Sa robbery naman nakapagtala ng 51 kaso, 30 ang naifile at naaresto ang gumawa, 21 ang naifile ngunit hindi pa naaresto.
Nanawagan naman si Tacderan na makipag ugnayan sa pulisya kung mayroong impormasyon ukol sa mga nambibiktima ng pagnanakaw sa probinsiya upang maiwasan ang kanilang paggawa ng masama.
Nangako naman ito na magiging confidential ang identity ng isang taong makapagbibigay ng impormasyon. |ifmnews
Facebook Comments