PULISYA, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON KONTRA SMUGGLED CIGARETTES SA SAN FABIAN

Nakipagtulungan ang San Fabian Municipal Police Station (MPS) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng inspeksyon laban sa mga hinihinalang *smuggled cigarettes* noong Oktubre 6.

Bandang alas-9 ng umaga, nagsagawa ng operasyon at inspeksyon ang mga tauhan ng pulisya sa mga Barangay Inmalog Sur at Poblacion, matapos makatanggap ng ulat hinggil sa presensya ng mga ipinagbabawal na sigarilyo sa lugar.

Sa pangunguna ni PLTCOL Danilo Perez, hepe ng San Fabian MPS, tinunton at sinuri ng mga awtoridad ang mga establisimyentong iniulat na pinagmumulan ng naturang produkto.

Patuloy naman ang mahigpit na pagmamanman ng kapulisan upang matiyak na masugpo ang pagpasok at bentahan ng mga smuggled cigarettes at iba pang ilegal na produkto sa bayan.

Facebook Comments