PULISYA, PINAIGTING ANG PAGBABANTAY SA LINGAYEN BAYWALK

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, pinaigting ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang presensya ng pulisya sa Lingayen Baywalk.

Patuloy na nagsasagawa ng foot at motorcycle patrol ang kawani ng pulisya sa lugar upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.

Layunin ng inisyatibong ito na pigilan ang anumang uri ng kriminalidad at masigurong ligtas ang Baywalk para sa mga residente at turista.

Nanawagan ang PPO sa mga mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad at agarang iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa mas mabilis na aksyon.

Matatandaan noong Bisperas ng pasko isang Menor de edad ang hinalay sa lugar ng Isang 18 anyos na rider. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments