PULISYA, PINASINUNGALINGAN NA MAY NAKAPASOK NA GUN FOR HIRE SA PANGASINAN

Iyan ang direktang sagot ni Pangasinan Police Provincial Office Director PCol. Rollyfer Capoquian ukol sa mga kumalat na reports na may nakapasok na umanong mga goons o gun for hire sa probinsya ng Pangasinan.

Ayon kay Capoquian, mapayapa pa rin ang lalawigan ng Pangasinan bagamat may ilang lugar umano ang may tumitinding tensyon dahil sa eleksyon.

Kamakailan, niraid ng CIDG ang isang bahay sa Sta. Maria, San Nicolas kung saan nahuli l ang mga suspek pati na rin ang ilang armas at pampapasabog.

Pagsisiwalat ni Capoquian, patuloy ang kanilang imbestigasyon kung lokal mismo ang mga suspek o mga taga-ibang lugar.

Samantala, patuloy ang pagpapaigting ng awtoridad sa pagbabantay ng mga lugar na nasa yellow areas of concern sa probinsya ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments