Nagsimula nang suyurin ng awtoridad ang mga barangay sa Dagupan City bilang kampanya sa Oplan Iwas Paputok.
Katuwang ang Bureau of Fire Protection o BFP, puspusan ang isinasagawang inspeksyon o monitoring ng kagawaran sa maaring pagawaan ng paputok sa lungsod.
Ayon kay PNP Dagupan City, Chief PLtCol. Brendon Palisoc, ito ay pagsisiguro na walang maitatalang insidente ng Fireworks-Related Injury.
Noong nakaraang taon, sumabog ang isang gawaan ng paputok sa barangay kung saan dalawa ang nasawi.
Sa ngayon, wala umano silang namomonitor na pagawaan ng paputok sa lungsod.
Nagbabala naman ang pulisya sa mga masasangkot sa indiscriminate firing at hinikayat ang publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang hanay ang naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments