Pulisya, tumutulong na rin sa paghahanap kay suspended Mayor Alice Guo

Nagbigay ng direktiba ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng kanilang regional directors at hepe ng pulisya na tulungan ang Senado sa pag-aresto kay  suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at pitong iba pang kapwa akusado.

Ito ay makaraang maglabas ang Senado ng arrest order para madakip ang alkalde, kasama sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo, umano’y nanay nito na si Wen Yi Lin, kasama si Dennis Cunanan at ang accountant ni Guo na si Nancy Gamo.

Ayon kay PNP spokesperson PCol Jean Fajardo inalerto na ng liderato ng Pambansang Pulisya ang mga hepe ng pulis upang tumulong sa paghahanap sa mga ito.


Sa katunayan ani Fajardo, nuong isinilbi ang arrest warrants laban kay Guo at iba pang akusado nitong weekend ay nagbigay ng security assistance ang PNP sa mga personnel ng senate sergeant at arms.

Ang mga nabanggit na indibidwal ay pinadadalo sa pagdinig sa Senado sa darating ng July 29, 2024 upang bigyang linaw ang imbestigasyon hinggil sa kaugnayan ng mga ito sa illegal POGO operations sa bansa.

Facebook Comments