Pulitika, walang kinalaman sa planong paglalagay ng water impounding area sa isang bahagi ng Pampanga ayon kay PBBM

Kalikasan ang dahilan ng pamahalaan para gumawa ng kaukulang hakbang upang maiwasan ang pagtaas at matagal na pagbaha.

Binigyang diin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang pagtutol ng ilang local officials sa konstruksiyon ng malaking collection pool sa Candaba, Pampanga na pinaniniwalaang tutugon sa problema sa baha sa Central Luzon.

Paliwanag ng pangulo, kailangang sundan ang takbo ng lupa o terrain, kung saan maaaring rumaragasa ang tubig kapag malakas ang ulan at saan ito nanggagaling.


Dapat itong maikunsidera ayon sa Pangulo partikular sa kung saan ipoposisyon ang maaaring gawing ang water impounding area.

Ang anomang desisyon kaugnay dito ay dahil na mismo sa kalikasan at hindi bunga ng political decision.

Kailangan lang ayon sa pangulo na sumunod sa kung ano ang pinakamainam na hakbang ang dapat gawin para maresolba na ang problema sa baha.

Facebook Comments