Pulitikang makatao kung saan lahat ay may pagkakataon maglingkod, hatid ni VP Leni

Nilagdaan ni VP Leni ang isang five-point covenant kasama ang Alliance for Labor Leaders for Leni (ALL4Leni) noong Lunes, Nobyember 29.

Nakasaad dito ang kanyang suporta sa pagpasa ng Security of Tenure Bill na inaasahang pipigil sa paglaganap ng kontraktwalisasyon o “endo.”

Ipinangako rin ni VP Leni na magbibigay siya ng puwang para sa manggagawang sektor upang makalahok sila sa pamumuno ng bansa. Ayon kay VP Leni, kapag siya ay nanalo bilang Pangulo, uumpisahan niya ang isang klase ng pulitika na lahat ng tao ay may pagkakataong maglingkod at hindi lang ang mga mayayaman at makapangyarihang mga pamilya tulad nang ating nakagisnan.


Sa AGRI 2022 Online Forum naman, ibinunyag ni VP Leni ang kanyang plano na maglaan ng ₱116 bilyon para sa agrikultura sa kanyang unang taon bilang Pangulo, na higit sa doble sa kasalukuyang budget ng sektor.

Dinagdag din niya na di sapat ang pagdodoble ng budget kung walang maayos na pagbabahagi ng pera na ito para sa mga nangangailangan, kaya’t sisiguraduhin niya na makatarungan para sa lahat sa sektor ang paggawa ng budget na ito.

Ibinahagi ni VP Leni ang kanyang karanasan sa pakikipag-unayan sa parehong sektor mula nung kanyang panahon bilang abogado para sa Saligan, isang organisasyon ng volunteer lawyers na tumutulong para maturuan ang mga nasa laylayan ukol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.

[END]

Facebook Comments