PULONG | 21st cabinet meeting, isasagawa sa Malacañang

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon ay pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang buong gabinete.
Batay sa impormasyong mula sa palasyo ay kabilang sa nakapilang agenda ng cabinet meeting ay ang Disaster Preparedness ng bansa at ang mga bagay na dapat gawin para maibangong muli ang mga lugar na matinding naapektuhan ng mga bagyong Urduja at Vinta noong nakaraang taon at ang bagyong agaton nitong nakaraang linggo lamang.
Bago naman ang cabinet meeting mamayang hapon ay magkakaroon ng farewell call ang Ambassador ng South Korea kay pangulong Duterte habang bukas naman ay magkakaroon ng Presentation of Credentials ang 4 na bagong Ambassador sa Pangulo.

Facebook Comments