Nagpulong ngayon sa Department of Justice (DOJ) ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga eksperto sa usapin ng West Philippine Sea.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, ito ay upang talakayin ang mga nangyayari at mga legal na hakbang na maaring gawin ng pamahalaan kasunod ng dangerous maneuvers, na nagresulta sa banggaan ng China Coast Guard at ang barko ng Pilipinas.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina dating Supreme Court Justice Francis Hardeleza, Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela at Atty. Antonio Opoza na experto sa usapin ng environmental laws.
Nauna nang sinabi ni Remulla na target ng pamahalaan na maghahain ng reklamo o ng kaso laban sa china dahil sa mga nangyayari sa WPS.