Pulong, may birthday message sa kanyang ama

Nagpaabot ng pagbati si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte para sa ika-74 na kaarawan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat ito sa kanyang tatay sa pagbibigay ng oras sa kanila sa kabila ng hectic schedule nito.

Tiniyak din ni Polong na siya at kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang haharap sa mga kalaban ng kanyang ama.


Nabatid na plano lamang ni Pangulong Duterte na ipagdiwang ang kanyang birthday na manatili sa kanyang bahay sa Davao City kasama ang pamilya.

Facebook Comments