PULONG | Mga Miyembro ng Security, Justice and Peace Cabinet Cluster, Pinulong ni PRRD

Manila, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Security, Justice and Peace Cabinet Cluster sa Malacañang ngayong gabi.

Kaugnay ito ng sunud-sunod na insidente ng pamamaslang sa ilang local offcials.

Kasama sa pulong sina League of Cities of the Philippine National Chairman Lani Cayetano ng Taguig at LCP National President Edgardo Pamintuan ng Angeles City.


Kasama rin sa pulong sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Senate President Vicente Sotto III, Senador Gringo Honasan, Cong. Romeo Acop, Cong. Ruby Sahali-Tan, Justice Secretary Menardo Guevarra, AFP at PNP Chiefs, Defence Secretary Delfin Lorenzana at iba pa.

Wala pa namang inilalabas na detalye ang Malacañang hinggil sa pulong.

Nauna nang humingi ng pulong kay Pangulong Duterte ang iba’t ibang grupo ng local officials sa harap ng mga nangyayaring pagpatay.

Facebook Comments