Inihahanda na ng Duterte administration ang isang pulong sa Facebook sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local (DILG) Government.
Layon ng dialogue na alamin kung may nilabag ito sa mga alituntunin at batas ng bansa at upang linawin ang unilateral na pag-shutdown ng Facebook sa mga accounts ng Philippine National Police (PNP) at ng militar.
Sa statement ng DILG, 57 Facebook accounts, 31 pages, at 20 Instagram accounts sa Pilipinas ang binura nang hindi man lamang sinabihan o tinanong ang mga administrators ng naturang mga accounts.
Dagdag pa ng ahensya, ang naturang mga Facebook pages ay mga private accounts at ginagarantiyahan ng free speech sa mga major issues of social concern sa ilalim ng Konstitusyon at mga batas.
Kinuwestyon ng DILG ang sense of fairness ng Facebook dahil habang unilateral ang pagbura nito sa Facebook pages ng militar at pulisya, kapansin-pansing hindi tinatanggal ang mga troll accounts ng ilang grupong pulitikal na nanggugulo sa bansa at sa militanteng grupo na gustong pabagsakin ang gobyerno.