Pulong ng mga business leaders, dadaluhan ng Pangulo

Mandaluyong City – Dadaluhan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Development Forum sa EDSA Shangrila sa Mandaluyong City.

Inaasahang darating doon ang Pangulo doon pagkatapos ng kanyang mga aktibidad sa Campo Crame kung saan dumalo ito sa anibersaryo ng PNP service at kasalukuyan namang pinangungunahan ang Command Conference kung saan kinakausap ng Pangulo ang lahat ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police sa buong bansa.

Ang Philippine Development Plan event naman ay dadaluhan ng mga business leaders at ng ilang economic managers ni Pangulong Duterte kung saan inaasahang magbibigay ng talumpati ang Pangulo.


Nagsagawa din ng paunang forum ang economic managers ng Pangulo sa nasabing aktibidad kung saan tinalakay ang ilang hakbang ng pamahalaan para mapaganda ang ekonomiya ng bansa at ang issue ngpagnenegosyo sa Pilipinas.

Facebook Comments