Kinumpirma ni presidential candidate Leody de Guzman na dalawa ang sugatan sa pamamaril habang nagsasagawa sila ng pulong sa Barangay Butong, Quezon, Bukidnon.
Ayon kay De Guzman, kabilang sa mga nasugatan ang kanilang organizer na si Nanie Abela at isang lider ng Manobo-Pulangiyon tribe.
Aniya, nakaligtas siya sa pamamaril gayundin ang senatoriables na sina Roy Cabonegro at David D’Angelo.
Paliwanag ni De Guzman, pinuntahan nila ang lugar dahil sa reklamo ng nasabing tribu sa land grabbing o pang-aagaw ng kanilang ancestral land.
Kasabay nito, kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang insidente.
Inatasan din ng Palasyo ang mga otoridad na magsagawa ng imbestigayson sa nasabing pamamaril.
Facebook Comments