Pulong ni Pangulong Duterte sa pamilya ni Kian, hindi damage control o pagmamanipula sa sitwasyon ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang humiling ng pulong kasama ang mga magulang ni Kian Delos Santos.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng ispekulasyon ng mga nasa oposisyon na ang pulong kasama ang mga Delos Santos ay para mapahupa o para hindi na lumaki pa ang issue at ang emosyon kaugnay sa pagkakapatay ng Caloocan police kay Kian.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi damage control ang ginawa ni Pangulong Duterte dahil ang pagharap ng pangulo sa mga magulang ni Kian ay isang makataong hakbang.


Paliwanag pa ni Abella, nagiging objective lamang si Pangulong Duterte sa issue at wala itong ginagawang manipulasyon.

Sinabi din naman ni Abella na hindi niya alam kung may ipinangako o ibinigay na pinansyan na tulog si Pangulong Duterte sa mga magulan ni Kian.

Matatandaan na kahapon ay nasa Malacanang ang mag-asawa at nakipagpulong sina Saldy at Lorenza Delos Santos kay Pangulong Duterte kasama si Justice Secretary Vitallano Aguirre, Public Attorneys office chief Atty. Percida Acosta at VACC Founding Chairman Dante Jimenez.

Facebook Comments