
Siksik ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ikalawang araw ng state visit nito sa India.
Alas-9:00 ng umaga sa India ay magkakaroon ng ceremonial welcome sina Prime Minister Narendra Modi at President Droupadi Murmu para sa Pangulo.
Susundan ito ng bilateral meeting kay Prime Minister Narendra Modi at Exchange of Bilateral Agreements at Joint Press Statement.
Alas-7:00 naman ng gabi ay ang pulong ng Pangulo kay Indian President Droupadi Murmu na susundan na ng dinner banquet.
Ilan sa mga inaasahang pag-usapan ay kooperasyon sa depensa at seguridad, kalakalan, pamumuhanan, at ekonomiya.
Nabatid na aabot sa 21 ang aktibidad ng Pangulo na kabibilangan ng iba’t ibang mga pagpupulong at ilan pang mga engagement hanggang sa huling araw nito sa India.









