Pulong ni PBBM sa mga tagapagtaguyod ng US nuclear energy, inaasahang magbubunga ng mas mura at maaasahang suplay ng kuryente para sa mga Pilipino

Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga tagapagtaguyod ng nuclear energy sa Amerika ay hakbang patungo sa pagkamit ng bansa ng sapat, maaasahan at murang kuryente para sa mga Pilipino.

Pahayag ito ni Romualdez kasunog ng pulong ni PBBM sa matataas na opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation (USNC) kaugnay sa plano nitong pamumuhunan sa Pilipinas.

Ayon kay Romualdez, follow-up meeting ito sa pagsaksi ni Pangulong Marcos sa paglagda sa isang kasunduan ng UNSC at Meralco sa San Francisco noong November 2023 bilang sidelines ng pagdalo nya sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.


Nakapaloob sa nasabing agreement ang paglalagay ng UNSC ng Micro Modular Reactors (MMRs) sa ating bansa.

Binanggit ni Romualdez, na ang mga MMR ang syang solusyon sa rotational brownouts na nararanasan sa buong kapuluan dahil maraming pa ring mga lugar o kumunidad ang hindi pa naaabot ng suplay ng kuryente.

Facebook Comments