Pulong ni PRRD kay MNLF Chairman Nur Misuari, magkakaroon pa ng kasunod ayon sa Malacañang

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari dahil hindi pa natutupad ang kanyang pangako na pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa Federalismo.

Ito kasi ang sinusuportahan ni Misuari at hindi ang pagtatatag ng Bangsamoro Region sa Mindanao.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagtagal lamang ng halos 15 minuto ang pulong kahapon ni Pangulong Duterte kay Misuari sa Malacanang kung saan ay tiniyak nito na masusundan pa ito para mas mapahaba pa ang diskusyon.


Binanggit din naman ni Panelo na walang reklamo si Misuari sa komposisyon ng Bangsamoro transition commission pero matatandaan na inirereklamo ni Misuari ang mga miyembro ng BTA dahil kakaunti lamang aniya ang nagmula sa kanilang panig sa MNLF at ang mayorya ay galing sa MILF.
Wala parin naman aniyang schedule kung kailan mauulit ang pulong ni Pangulong Duterte kay Misuari.

Facebook Comments