Manila, Philippines – Binigyang diin ni Senador Francis Chiz Escudero na may kaugnayan sa trabaho ang naging pulong nilang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang huwebes sa palasyo.
Sabi ni Escudero, sya ang nagrequest na makausap ang pangulo dahil mayroon syang mga tanong tungkol sa idineklara nitong martial law sa buong Mindanao.
Ayon kay Escudero, binanggit niya sa pangulo ang panghihinayang na hindi nagkaroong ng joint session ang kamara at senado para talakayin ang martial law at suspension ng Writ of Habeas Corpus sa Mindanao.
Ayon kay Escudero, naging sentro din ng kanilang talakayan ang matter of state o iba pang mga mga bagay na ikinakaharap ng ating bansa sa ngayon.
Wala din aniya silang pinagusapang kakaiba.
Diin ni Escudero, walang nabanggit sa kanilang pulong tungkol sa kanyang posibleng posisyon sa Duterte administration at wala din syang hiniling na anuman kay Pangulong Duterte.
DZXL558, Grace Mariano