Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nakapulong kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua dito sa Malacañang.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, napagusapan ng dalawa ang inaasahang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping dito sa Pilipinas sa darating na Nobyermbre na napagkasunduan ng dalawa na magpapatibay pa ng relasyon ng Pilipians at China.
Sinabi din ni Roque na nagpahayag ng concern ang China sa pagkakaroon ng military exercise ng Estados Unidos sa South China Sea sa kaparehong panahon nang pagpunta dito sa bansa ni President Xi pero sinabi aniya ni Pangulong Duterte ay hindi naman makikibahagi doon ang Pilipians.
Nagkasundo din aniya ang dalawa na ang pagkakaroon ng Joint Exploration sa South China sea ay nasa interes ng dalawang bansa at binigyang diin aniya ng China na hindi sila pabor na magkaroon ng military confrontation sa anomang bansa dahil ang china aniya ang pangunahing bansa na gumagamit ng West Philippine Sea kaya magiging negatibo ang epekto nito sa kanilang bansa.
tiniyak din aniya ni Ambassador Zhao ang pagtulong ng China sa Pilipinas sa maraming proyekto na gagawin sa Pilipinas.