Manila, Philippines – Sesentro sa Maritime, Investment, Agriculture, Science and Technology at Climate Change ang gagawing pulong sa ASEAN-India Commemorative Summit na gagawin sa susunod na linggo.
Dadalo kasi si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pulong na gaganapin sa New Delhi, India mula January 24 hanggang 26 kung saan makakasama din ng Pangulo ang iba pang ASEAN leaders.
May tema ang nasabing summit na “Shared Values and Common Destiny”, kung saan unang pagkakataon na bibisita ang Pangulo sa India.
Magkakaroon din ng bilateral meeting si Pangulong Duterte kay India Prime Minister Narenda Modi, kung saan inaasahang makakausap ang Cheaper Medicines o murang gamot na maaaring mabili ng Pamahalaan.
Facebook Comments