Isinagawa ang pagpupulong sa pagitan ng bus operators, local chief executives, Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region I (LTFRB-I), at Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan kaugnay sa pagbabalik operasyon ng mga provincial buses patungong National Capital region.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong kung paano matulungan ang mga mananakay na papunta at pabalik sa National Capital Region (NCR).
Napagkasunduan ng lahat ng dumalo na pagsasamahang iparating sa kinauukulan ang mga hinaing at mga posibleng solusyon para sa kapakanan ng mga commuting public sa lalawigan.
Matatandaan na sumulat ang pamahalaang panlalawigan kay DOTR Secretary Arthur Tugade na isagawa ang dayalogo sa pagitan ng mga stakeholder para sa pagbabalik byahe ng mga bus sa probinsiya.
Ilan sa mga ninanais ng mga bus companies ay magamit ang kanilang sariling terminal upang mabawasan ang kanilang gastusin at hindi mahirapan ang mga commuters. | ifmnews