PULONG | PRRD, nag-offer na siya ang bumisita kay Valles

Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na gusto sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang magpunta sa tahanan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles para ito ay makausap.

Ayon kay Go, nakumpirma na niya kay Valles na pupunta nalang ito sa Malacanang sa darating na lunes para sa one-on-one meeting nito kay Pangulong Duterte pero gusto sana ng Pangulo na ito ang bumisita sa Archbishops residence sa Davao City.

Pero dahil aniya sa retreat ng mga Obispo sa Tagaytay City ay minarapat ni Archbishop Valles na ito nalang ang pumunta ng Malacanang para sa nasabing pulong.


Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na magiging free flowing at walang nakatakdang agenda ang pulong nila Pangulong Duterte at Archbishop Valles dahil matagal nang magkaibigan ang dalawa.
Naniniwala din si Roque na tututok sa pagpatay sa mga pari ang magiging pulong nila Pangulong Duterte at Archbishop Valles at kung paano matitiyak ang seguridad ng mga alagad ng Simbahan.

Facebook Comments