Pulong sa pagitan ng Senado at European Parliament, naging matagumpay

Photo Courtesy: Philippine News Agency

Naging matagumpay ang dayalogo ngayong araw sa pagitan ng mga senador at mga miyembro ng European Parliament.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, Chairman ng Committee on Justice and Human Rights, naging ‘fruitful’ ang resulta ng pulong sa pagitan ng EU Parliament subcommittee on Human Rights kung saan tinalakay ang iba’t ibang mga isyung may kinalaman sa karapatang pantao.

Nagpasalamat si European Parliament Delegation Head Hannah Neumann sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga senador.


Kinilala ni Neumann ang mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa Europa na malaki ang naging ambag sa mga industriya ng European nations gayundin ang matatag na trade relations ng Pilipinas at EU.

Inamin ng EU Parliament delegation na nabahala sila sa ‘war on drugs’ at sa ‘extrajudicial killings’ sa bansa sa mga nakalipas na taon pero ikinalulugod naman nila na nakatutok ngayon ang gobyerno sa rehabilitation at prevention.

Samantala, sinabi naman ni Tolentino na malinaw nilang naipabatid sa EU na walang hurisdiksyon sa bansa ang International Criminal Court (ICC) dahilan ng patuloy na pagtutol ng pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC sa drug war at naipaliwanag din sa delegasyon ang isyu sa EJK gayundin ang posisyon patungkol sa resolusyon na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa imbestigasyon at prosecution ng ICC.

Facebook Comments