Pulse Asia, nagbabala sa mga posibleng maglipanang pekeng survey

Manila, Philippines – Nagbabala ang Pulse Asia Inc. sa mga pekeng survey na posibleng kumalat ilang buwan bago ang 2019 Midterm elections.

Ayon kay Pulse Asia research director Ana Maria Tabunda, madali nang nagagaya ng mga pekeng polling firm ang survey ng mga lehitimong kumpaniya.

Aniya, bago ang 2016 elections ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa isang local survey sa Pampanga.


Dinesenyo aniya ang dokumento kahalintulad nang ginagamit sa Pulse Asia.

Giit ni Tabunda, posibleng layon ng pekeng survey na lokohin ang isang kandidato at kumbinsihin ito na tumakbo base sa pekeng survey numbers.

Facebook Comments