PULSO NG MASA | 1 out of 10 Pinoy, nakatupad ng kanilang New Year’s resolution ngayong 2017

Manila, Philippines – Halos isa sa bawat sampung pinoy lamang ang nakatupad ng kanilang New Year’s resolution ngayong taon batay sa panibagong survey ng Social Weather Stations.

Sa isinagawang survey ng SWS mula December 8 hanggang 16 – 46% na Pinoy ang nagsabing gumawa sila ng listahan ng mga nais nilang baguhin sa pagpasok ng 2017.

Pero, anim na porsyento lang sa mga ito ang nagsabing “all or almost all” sa mga resolusyon ay natupad.


Habang 12% naman ang “most”, 23% ang “few at apat na porsyento ang “almost none or none.”

Sa mga sumagot ng “all or almost all” at “most”, karamihan sa mga ito ay nagmula sa classes ABC na umabot sa 25% habang 19% naman sa class E at 18% sa class D.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents kung saang 300 katao mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments