Manila, Philippines – Walo sa bawat sampung Pilipino ang nababahala na posibleng madamay ang Pilipinas sa kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea. Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 88% ang nagsabing sila ay nangangamba habang 12% ang hindi. Matatandaang noong nakaraang taon pa nagpalitan ng pasaring si US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un. Pero ngayong taon, nagkasundo sila na magkaharap sa isang summit para matalakay ang denuclearization ng Pyongyang. Isinagawa ang survey mula sa December 08 hanggang 16, 2017 sa 1,200 respondents.
Facebook Comments