Manila, Philippines – Kinikilala ng palasyo ng Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Station kung saan lumalabas na malaki ang tiwala ng mga Pilipino sa Estados Unidos ng America at sa Japan at third least trusted naman ng mga Pilipino ang China matapos ang Laos at North Korea.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na nakakagulat ang resulta ng survey dahil matagal nang kaalyado ng Pilipinas ang dalawang bansa at normal lamang na mas tiwala ang mga Pilipino sa mga bansang matagal nang kaibigan ng Pilipinas.
Pero base naman aniya sa SWS survey ay patas o neutral naman ang pagtingin ng mga Pilipino sa China at hindi naman ito nakagugulat dahil ngayon palang gumaganda ang relasyon ng Pilipinas at China.
Maganda naman anya ito dahil neutral lang ang pagtingin o pagtitiwala ng mga Pilipino sa nasabing bansa.