PULSO NG MASA | Mataas na ratings ng mga Senador, dapat ikonsidera bago isulong ang pagpapabuwag sa Senado

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Majority Leader Senator Tito Sotto III sa mga Kongresista na ikonsidera ang mataas na ratings ng mga Senador bago isulong na buwagin ang Senado sa ilalim ng Federalism.

Pahayag ito ni Senator Sotto, makaraang makakuha sya ng 77% approval rating at 76 % trust rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Habang si Senate President Koko Pimentel naman ay nakakuha ng 57% approval at 53% trust rating.


Si Sen. JV Ejercito naman ay may 57% approval rating at sya din ang nakapagtala ng pinakamataas na 60 % approval rating sa National Capital Region o NCR.

Diin ni Sotto, ipinapakita ng nabanggit na matataas nilang approval at trust ratings na alam ng taongbayan na sila ay nagtratrabaho.

Mensahe ni Sotto sa mga nagnanais gawing Unicameral ang Lehislatura na baka mas dapat burahin ang mababa ang ratings.

Facebook Comments