PULSO NG MASA | Mga Pinoy, hatia ng opinyon sa revolutionary government – SWS survey

Manila, Philippines – Hati ang opinyon ng mga Pilipino hinggil sa usapin ng Revolutionary Government (RevGov), batay sa survey ng social weather stations.

Ang Revolutionary Government ay ibinabala ng Duterte administration kapag nagpatuloy ang mga umano’y destabilization plot.

Ayon sa SWS survey – 39% ang kontra sa RevGov, 31% ang suportado ito habang 30% ang undecided.


Pinakamarami ang mga hindi sang-ayon sa RevGov sa Luzon sa 46%, na sinundan ng Visayas sa 43%, Metro Manila sa 39% at Mindanao sa 21%.

Pinakamarami naman ang sumusuporta sa RevGov sa Mindanao sa 38%, na sinundan ng Metro Manila sa 31%, Luzon sa 30%, at Visayas sa 26%.

May mga Pilipino naman na tiwala sa Pangulo at kuntento sa kanyang performance pero hindi suportado sa RevGov.

Naniniwala naman ang mas nakararami na posibleng ideklara ni duterte ang RevGov.

48% ang nagsabing posible ito, 27% ang nagsabing hindi habang hindi naman alam ng 24% ang posibilidad nito.

Isinagawa ng SWS ang naturang survey sa 1,200 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Facebook Comments