PULSO NG MASA | Net satisfaction ratings ng mga sangay ng gobyerno, tumaas

Manila, Philippines – Umangat ang net satisfaction rating ng Senado ngayong buwan.

Sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS), +56 o ‘very good’ rating ang nakuha ng Senado, mas mataas ng 10 puntos kumpara noong setyembre.

Ang Kamara De Representante ay nakakuha ng +43 o ‘good’ rating.


+37 naman ang nakuha ng Korte Suprema habang ang Duterte cabinet ay may +38 rating.

Ang 4th quarter survey ay isinagawa mula December 8 hanggang December 16 sa 1,2000 respondents.

Facebook Comments